SANTA CRUZ

NEWS AND UPDATES

Mga Isyung Pang-Kalusugan ng mga Adolescents Tinalakay; Municipal Teens Clinic, Bukas na!

August 17, 2022 | Mayor's Office

Ginanap nitong ika-16 ng Agosto, 2022 ang isang Adolescent Health and Development Symposium sa Municipal Gymnasium ng Santa Cruz na dinaluhan ng mga kabataan at health workers ng ating bayan. Isinagawa ang symposium sa pakikiisa ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Honesto Marquez, Jr., Muncipal Health Officer sa Provincial Health Office ng Marinduque sa pamumuno ni Dr. Gerardo Caballes. 

Naging katuwang din sa pag-organisa ng naturang symposium ang Population Commission and Development o POPCOM  upang maisiwalat sa mga kabataan ang mga mahahalagang kaalaman ukol sa pagbibinata o pagdadalaga o ang period ng adolescence. 

Ang pagsagawa ng ganitong mga aktibidades ay alinsunod sa kautusan na ibinaba ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na idineklara ang adolescent pregnancy bilang isang national emergency sa ating bansa. 

Upang mas lalong maunawaan ng mga nagsipag-attend ang mga isyung kakabit ng adolescent health, nagkaroon ng film showing at mga pananalita mula sa mga eksperto na tumalakay sa mga isyu ng teenage pregnancy at sexually transmitted diseases o STDs. Nagkaroon din ng gender, sex, and sexuality workshop upang lalong maintindihan ng mga dumalong kabataan ang iba’t ibang konsepto patungkol sa sekswalidad at gender sa konteksto ng kabuuang pang-kalusugan. 

Tamang Barkadahan at Peer Support

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Mayor Marisa Red Martinez ang kahalagahan ng tamang pagpili ng mga barkada at kaibigan na syang nagsisilbing peers o kasamahan ng mga kabataan sa loob at labas ng eskwelahan.  Dagdag pa ni Mayora Red, importante din ang impluwensya ng pamilya pati ng pamahalaan sa paghubog ng mga pag-iisip at pag-uugali ng mga kabataan sa harap ng napakaraming impormasyon na bumubugbog sa kanilang kamalayan sa mga kasalukuyang panahon. Nanawagan si Mayora Red na bigyan ng tamang halimbawa ang mga kabataan upang maging produktibo silang bahagi ng ating lipunan. 

Samantala, isinagawa rin ang Ribbon-Cutting ceremony para sa opening ng Santa Cruz Teens Clinic sa RHU1 Brgy. Pag-Asa. Nago-offer ang clinic na ito ng iba’t-ibang serbisyo medikal para sa mga kabataan gaya ng primary health care consultation, Pre-natal Care Services, Immunization, Post-partum Care, Psychosocial Counseling, Laboratory Examination, Reproductive Health Services, at Health Education and Counseling.

Ang pagkakaroon ng dedicated health facility para sa mga kabataan ay isang hakbang upang mas matuunan ng pansin ang kanilang mga unique na pangangailangan at mabigyan ng angkop na mga interventions para sa kanilang well-being.