DI KA TALO SA TALONG
Talong Dishes for your Home Cooked Meal Business? Pwede!

ALAM NYO BA? Tinuring na best egg dish sa buong mundo ang lutong bahay na tortang talong at tinalo nito ang iba’t ibang luto ng itlog tulad ng egg benedict ng America, tortilla de patata ng Espanya, at omurice ng Japan.
Ayon sa Taste Atlas, ang tortang talong daw ay madaling gawin at napaka-versatile dahil maaari itong dagdagan ng iba pang ingredients katulad ng karne at iba pang gulay. Gamit ang talong, nagkakaroon ng karagdagang texture ang creamy egg omelette at nadaragdagan ito ng lasa.
Ang talong na may scientific name na Solanum melongena ay tinatawag na aubergine sa mga bahagi ng UK at brinjal naman sa India, Singapore, at Malaysia.
Sa Pilipinas, ang mga probinsya ng Ilocos Region, Central Luzon, at CALABARZON Region ang top eggplant producing areas.
Halos 90 porsyento ng global supply ng talong o eggplant ay nagmumula at inaangkat mula sa mga bansa ng Asya at ika-pito ang Pilipinas sa top eggplant producers sa buong mundo subalit ang mga talong sa ating bansa ay karaniwang ina-distribute lamang for domestic market consumption.
Ayon sa mga nutritionists, ang talong ay magandang source ng mga bitamina lalo na ng Vitamin C, fiber, potassium, protina, at iba pang phytonutrients na nagpapalakas sa katawan.




Classic Mediterranean Ingredient
Bukod sa nakagisnan na nating torta o ensaladang talong, ang eggplant ay isa sa mga classic ingredients ng mga bansang Mediterranean (Italy, Greek, Spain, Southern France, Turkey, Morocco) na karaniwang sini-serve tuwing summer at ginagawang appetizer o main dishes.
Dahil dito, malapit ang mga ulam na ito sa kulturang kinabibilangan at kinalalagakan ng ating mga makasaysayang Moryon. Ang pag-recreate ng kultura, kasaysayan, at kinagisnan ng mga ancient Roman civilizations bilang bahagi ng lalong pagpapalakas at pagpapalalim ng ating turismo at kultura ay isa sa mga haligi ng Tourism Development strategy ni Mayor Marisa Red. Samantala, ang talong naman ay isa sa tatlong mga gulayin na bahagi ng Tanim Pag-asa Program na naglalayong mahikayat ang mga households sa Santa Cruz na magsimula ng kanilang sariling backyard vegetable gardens.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga siguradong magpapasarap pa lalo at magdadagdag variety sa mga maaaring lutuin gamit ang talong bilang sentral na ingredient.
Crispy-Baked Eggplant Fries with Greek Sauce
Tiyak na magugustuhan ng mga bagets itong malutong na appetizer gamit ang baked na talong na may Greek yogurt sauce (o ranch-style sauce) for dipping. Basahin kung papaano ito lutuin: https://www.themediterraneandish.com/baked-eggplant-fries-tzatziki-sauce/
Eggplant Moussaka (Greek-Style Lasagna)
Ang Moussaka ay isang Mediterranean version ng lasagna na gumagamit ng talong. Isinasama ito sa layers ng lasagna pasta at ginagawang mas masustansya at nakakabusog ang ulam. Basahin naman dito kung papaano gumawa ng moussaka: https://www.recipetineats.com/moussaka-greek-eggplant-beef-bake/
Mnazaleh (Middle Eastern Eggplant and Chickpeas Stew)
Ang mnazaleh naman ay isang Israeli dish na pinaghalong talong at chickpeas o garbanzos na maaaring may karne o wala. Basahin kung papaano lutuin ang simpleng ulam na ito: https://toriavey.com/mnazaleh/
Eggplant Pizza
Oo, pwedeng gamitin ang talong bilang substitute ng flour-made pizza dough upang mas masustansya, low-carb, at hindi nakakataba ang favorite pizza na tiyak na pasok pa rin sa panlasa ng mga kabataang foodies. Alamin kung papaano ito lutuin: https://www.eatingbirdfood.com/low-carb-eggplant-pizza/

Meals-to-Go Businesses Pumatok nitong Pandemya
Isa sa mga naging successful business ideas sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ang mga home-cooked meals for delivery orders at ayon sa mga trade experts, patuloy itong aasenso sa mga masunod na taon kasama ng pag-lago at pagdami ng mga delivery riding options at pagsulputan ng mga delivery apps katulad ng Food Panda, Hungrily, at iba pa. Subalit, sa dami ng mga nagsimula o magsisimula ng kanilang home-cooked meal business, umiigting din ang kompetisyon. Kung kaya’t mahalaga sa mga gustong magsimula ng ganitong negosyo ang inobasyon o pag-offer ng mga makabago pero masarap at katakam-takam na mga menu upang makapag-compete sa naglipanang food ordering enterprises.
Gamit ang mga mungkahing recipes sa taas at iba pang recipes na kung tawagin ay “fusion” cooking – o iyong pag-elevate ng mga tradisyunal na ulam at pag-mix nito sa iba pang culinary traditions, halimbawa, Asian-Italian o Filipino-Spanish cooking styles and tastes, mas aangat at titingkad ang menu ng isang gustong magsimula ng home-cooked food delivery business.