MAALAM LAB
Learning | Opportunities | Livelihood
PASKONG KUMIKITA
Sa halip na manghingi ng aginaldo, gamitin ang creativity upang pagkakitaan ang paparating na kapaskuhan

Paparating na naman ang panahon ng kapaskuhan. Para sa karamihan, panahon na naman ng gastos, pamimigay ng mga regalo, handaan, at iba’t iba pang pagkaka-abalahan o gawain. Ngunit para sa mga may entrepreneurial na mindset o pag-iisip, ang panahon ng kapaskuhan lalong lalo na sa Pilipinas ay panahon din ng negosyo.
May bonus ang karamihan. O may padala galing abroad. O kaya nama’y may mga regalong bigay ang mga bossing.
Kaya tuwing kapaskuhan, naghahanap ang mga may pera ng maaaring pagka-gastusan.
Ngayong pasko, sa halip na gumastos, baka mas trip mong negosyo mo ang pagka-gastusan ng mga may pera? Hala, basahi ang mga masunod na suggestions para naman sana all.
Christmas Decors
Mahilig ka bang mangutingting ng mga bagay bagay? Baka ito na ang panahon upang makapag-simula ng Christmas decoration and ornaments na negosyo. Pero para pumatok sa paningin ang iyong mga gawa, kailangan naayon ang mga produktong gagawin sa kung ano ang trending.
Hindi kinakailangan ng mga mamahalin na materyales ang karamihan sa mga trending na Christmas decors ngayon.
Ayon sa mga interior design specialists, uuso daw at magtretrend ang mga Christmas decor na gawa mula sa mga natural na bagay tulad ng:
- dried wood, plants, at twigs
- seashells at iba pang winash out na marine o aquatic particles sa mga baybayin
- glass at mga metallics
- plantita-inspired
Ayon pa rin sa mga eksperto, patuloy na mamamayagpag ang hitsurang minimalistic pagdating sa pagdedecorate tuwing pasko. Luxurious pero minimalistic pa rin.
Bagama’t hindi pa rin mawawala ang mga tradisyonal na looks tuwing pasko, mas kapansin-pansin daw ang mga looks na kung tawagin ay rustic at natural-looking na hinahaluan ng kinang o sparkle para mas magmukhang elegante ang disenyo.


Hindi na Sapat na Masarap
Kung ang hilig at skill mo naman ay pag-bake o pagluto ng anumang pagkain na maaaring maging give-aways o pang-regalo ngayong Pasko, alalahanin na kasing halaga na ngayon ng lasa ang packaging ng pagkain.
Packaging is key, ika nga.
At katulad ng mga trending na Christmas decors, patok din ang natural-looking packaging pagdating sa mga cookies, biscuits, fruitcake o iba pang baked goodies na karaniwang inapamigay tuwing panahon ng Pasko. Naayon din sa uso ang paggamit ng recylable pati na ng recycled na packaging para sa mga produkto bilang isang kongkretong hakbang upang mabawasan ang basura.

Isa sa mga magiging programa ng administrasyon ni Mayora Marisa Red-Martinez ang pagbibigay tulong at pagpapalakas ng kapasidad ng mga maliliit na negosyante sa Santa Cruz na ma-elevate o ma-level up ang branding ng mga produkto at serbisyo. Ito kasi ngayon ang nagiging labanan sa dami ng mga produktong nagsisilabasan at ibinebenta mula sa iba’t ibang lugar.
Community Narrative
Sa makabagong mundo ng branding at advertising nagiging mahalaga na rin ang kwento ng mga gumagawa o nagbebenta ng mga produkto bilang selling point o comparative advantage sa mata ng mga mamimili.
Kumbaga hindi na lamang ang kalidad, ganda, o sarap ng produkto ang mahalaga ngayon. Ang paggamit ng mga naratibo o kwento ng komunidad na gumagawa ng produkto, o ng origins story halimbawa na nag-inspire sa produkto, o ang kwento ng pinaka-sentral na ingredient nito ay nakakadagdag rin sa pag-arangkada ng isang negosyo.
Malaking bahagi ang ginagampanan dito ng pagkurot sa damdamin at memory o kung tawagin ay sentimentality o nostalgia upang ma-attract ang mga mamimili sa ibinebentang produkto.
Sa tulong ng malikhaing paggamit ng social media, napapalaganap ang mga kwentong ito at sa pamamagitan ng mga likes at comments, nagkakaroon ng tinatawag na “brand presence” ang isang enterprise.
Puhunan ba ang kailangan?
Syempre mahirap makapag-simula ng isang maliit na negosyo ng walang sapat na puhunan. Don’t worry, pinaplano na ngayon ng pamahalaang lokal at ni Mayor Marisa Red kung ano ang pinaka-maiging paraan upang makapagbigay ng mga puhunan sa mga nais magtayo ng maliit na negosyo – mapa-pampasko man o hindi.
Pero bago ang puhunan, dapat may potential ang produkto. Kaya keep updated sa MAALAM LAB upang maging maalam sa mga trends and best practices sa mga kumikitang kabuhayan.