ANGAT SA ANGHANG
Bakit may kita sa pagtanim ng sili?

Ang tanim na sili (Capsicum annum at iba pang varieties nito) ay isa sa mga pinaka-kilalang sangkap sa pagkain hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ayon sa pag-aaral ng Mordor Intelligence ang mga bansa sa Europa ang pumapangalawa sa mga bansa ng Asya na pinakamalakas umangkat o mag-import ng dried, ground, o crushed chillis. Karaniwang nanggagaling ang mga angkat na dried chillis sa India na syang may humigit kumulang na 30% share ng global production ng iba’t ibang variety ng sili. Ayon pa sa pag-aaral, ang mga bansang Vietnam, Thailand, Sri Lanka, at Indonesia ang mga pinakamalaking umaangkat ng sili mula sa India.
May iba’t ibang variety na ng sili na tumutubo at na-aani sa Pilipinas. Karamihan dito ay mga hybrid varieties tulad ng mga sili mula sa Taiwan at ang Thai bird’s eye chili variety na hawig sa native na siling labuyo.
Subalit ang siling labuyo na native sa ating bansa ay madalang ng mahanap sa mga palengke at bilihan dahil na rin sa mas madali at mas mabilis na pag-ani ng ibang sili varieties. Tatalakayin ng Maalam Lab ang iba’t ibang varieties na ito sa mga susunod na posts.
Noong 2021, umakyat hanggang PHP1,000/per kilo ang presyo ng sili sa mga pamihilihan – tanda na may tuloy-tuloy na market demand ng sili.



Asian Cuisine Pumapatok Globally
Isa sa mga dahilan ng pag-arangkada ng sili sa mga pandaigdigang pamilihan ay ang pag-sikat at pagpatok sa panlasa ng mga maaanghang na pagkain mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Datapwa’t ang sili ay hindi naman native sa Asya – ang tanim na ito ay dala ng mga galyon mulang South America noong 1500s kung saan originally nanggaling ang tanim na sili – naging bahagi na ito ng panlasang Asyano. At dahil nakakapawis ang pagkain ng mga maanghang, patok din sa klimang Asyano ang sili dahil ang pagpapawis ay nakakapalamig ng katawan sa mga panahon ng matinding init.
Gamit ang tamang variety, maraming maaaring pagka-gamitan ang sili bukod sa pagbenta nito bilang raw product sa mga pamilihan. Narito ang iba’t ibang maaring gawin kapag may sapat nang naani mula sa mga tanim na sili:
1. DRIED CHILI FLAKES
Kadalasan pinapatuyo at dinudurog ang sili upang maging chili flakes na karaniwang ginagamit bilang dried condiment sa pizza, pasta, at iba pang ulam. Panoorin ang video na to na may madaling tutorial ng pag-gawa ng chilli flakes: https://www.youtube.com/watch?v=O7F4DW5pOIM
2. CHILI (AND GARLIC) OIL
Patok din sa panlasa ng mga foodies ang pinagsamang sili at bawang na may mantika o chili garlic oil. Karaniwan itong ginagamit sa mga Chinese dishes katulad na lamang siomai. Panoorin naman dito ang isang madaling recipe ng paggawa ng chili garlic oil:
https://www.youtube.com/watch?v=38ogZ6ngw1c
3. HOT CHILI SAUCE
Medyo ma-proseso at kinakailangan ng ibang dagdag na ingredients pero isa rin sa mga maaaring gawin sa sili ang mga hot sauces na karaniwang ginagamit bilang marinade sa mga barbecue o ihawin o bilang sawsawan. Panoorin dito ang isang paraan sa paggawa ng hot chili sauce: https://www.youtube.com/watch?v=ARr2qIeShx0
Anghang Meter
Anong sili ba ang pinaka-maanghang at papaano mini-measure ang anghang ng sili?
Noong 1912, dinevelop ng isang American pharmacist na si Wilbur Scoville ang tinatawag na Scoville Scale na ni-rerecord ang kinakailangang concentration ng capsaicinoids – ang elementong napapaloob sa mga sili – upang ma-dissolve sa tubig at mawala ang anghang o pungency nito. Mas mataas na units sa Scoville Scale ibig sabihin mas maanghang ang sili. Base sa Scoville scale ang siling labuyo na native sa Pilipinas ay may halos 100,000 na Scoville Heat Units. Subalit hindi ito ang pinakamaanghang na sili na kasalukuyang hawak ng Carolina Reaper variety.
Ang Carolina Reaper Natural ay dinevelop sa Estados Unidos. Pero alam nyo bang maari rin itong mapatubo dito sa Pilipinas? Basahin ang nakaka-inspire na kwento ng isang Pinoy na nakapag-palaki at ngayo’y negosyo na ang pagtanim at pagproseso ng iba’t ibang byproducts ng Carolina Reaper dito: https://www.agriculture.com.ph/2019/11/09/worlds-hottest-pepper-grows-on-a-makati-rooftop/.
Ano pang hinihintay nyo Santacruzin, hamos na’t kita’y magtanim ng sili!
Isa rin ito sa mga magiging component ng programang TANIM PAG-ASA na ipapatupad ni Mayor Marisa Red-Martinez sa mga madating na buwan.